Senior International Pilot nanawagan ng Solusyon sa Lumalalang Job Crisis ng mga Lisensyadong Piloto

Nanawagan si Captain Patrick Roa, isang beteranong piloto, sa pamahalaan na agad tugunan ang lumalalang problema ng kawalan ng trabaho sa hanay ng mga lisensyadong piloto sa bansa. Ayon sa kanya, humigit-kumulang 1,000 Filipino pilots ang wala paring trabaho sa kabila ng pangangailangan ng 674,000 na bagong piloto mula 2023 hanggang 2043 sa buong mundo, ayon sa data na inilabas ng BOEING noong 2024.

Binigyang-diin ni Roa na maraming graduates ng flying schools ang lumulubog sa utang para sa training at type rating ngunit hindi natatanggap sa mga airline. Nanawagan siya ng isang “whole-of-government approach” upang gumawa ng mga bridge programs at reporma sa aviation education upang mas tumugma ito sa tunay na pangangailangan ng industriya.

“Kung yung Filipino hindi pumasa sa interview. It is not a bias, don’t accuse the airlines of being biased, they are keeping to a very high standard. What we need to do is to help our Filipino students raise the bar, meets the standard and for those na walang trabaho ngayon the best thing to do is to help put a bridging program” dagdag pa ni Roa

Pinagtutuunan naman ng pansin ni RET BGen Gerardo Zamudio Jr., Director ng Flying school sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA), ang bridging program na naglalayong bumuo ng connection mula sa mga graduates ng Philsca at sa aerial operations ng gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), pati na rin sa Philippine National Police (PNP) upang pag-igtingin ang kaalaman at kasanayang teknikal ng mga aviation graduates at pagtibayin ang koneksyon sa pagitan ng edukasyong pang aviation at serbisyong militar

Binanggit din ni Gen. Zamudio na mahigpit na sinusuri ng PhilSCA ang mga estudyanteng naghahangad na pumasok sa naturang paaralan. Isa sa mga requirements na hinihingi ng PhilSCA ay ang 90 pataas na GPA ng mga aplikante. Dagdag pa rito ang limitadong slots na inooffer sa mga estudyante dahil sa 2589 na examinees ay 35 lang ang makakapasok. Ipinahayag niya rin na ang mga graduates ng PhilSCA ay nagkakaroon na ng mga lisensya kagaya ng Private Pilot License, Commercial Pilot License, Instrument Rating at Multi-Engine rating.

Ayon kay General, malaki ang maitutulong ng bridging program para magamit ng graduates ang kanilang propesyon sa pagsisilbi sa gobyerno kung hindi naman ay maaari silang pumasok sa commercial airlines upang makibahagi sa 674,000 na piloto na kinakailangan ng buong mundo. Maari silang maging network ng AFP para sa seguridad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *